Pinalaya kahapon ng Pambansang Lupon sa Kapayapaan at Kaayusan ng Thailand ang mga Puno ng UDD na kinabibilangan nina Jatuporn Promphan at Nuttawut Saikua, at mga tagasunod ng UDD.
Ayon pa sa pahayagang Bangkok Post, sapul nang palayain si dating Punong Ministro Yingluck Shinawatra ng Thailand, nananatili na ito sa Bangkok hanggang sa kasalukuyan.
Isang military coup ang naganap sa Thailand noong ika-22 ng buwang ito. Pagkatapos, pinigil ng panig militar ang mga pulitikong kinabibilangan ni Yingluck Shinawatra.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ng naturang lupon na, para mabawasan ang epekto ng curfew sa industriya ng turismo ng bansa, aalisin nito ang naturang emergency measure sa mga lugar na panturista na gaya ng Phuket at Battaya.