Brussels, Belgium—Napagkasunduan kahapon dito ng Rusya, Ukraine at Uniyong Europeo (EU) na ipagpapatuloy ng Rusya ang pagsusuplay ng natural gas sa Ukraine. Bukod dito, hindi kailangang magbayad ng prepayment ang Ukraine para sa suplay ng gas para sa Hunyo. Sinuman sa tatlong panig ay hindi puwedeng magharap ng arbitrasyon sa Stockholm Tribunal.
Narating ang nasabing kasunduan ng tatlong panig sa kanilang ikaapat na round ng talastasang pang-enerhiya. Idinaos ang talastasan makaraang kumpirmahin ng Gazprom, gas giant ng Rusya ang pagtanggap ng unang bayad ng utang na nagkakahalaga ng 786 na milyong dolyares mula sa Naftogaz, gas firm na ari ng estado ng Ukraine.
Ayon sa kanilang pahayag, magpapatuloy din ang katulad na talastasan.
Salin: Jade