Sinabi kahapon ni Vladimir Putin ng Rusya na magiliw ang kanyang bansa sa Ukraine pagdating sa suplay ng natural gas. Hiniling din niya kay Punong Ministro Dmitry Medvedev na pag-aralan ang posibilidad ng kooperasyong pang-enerhiya ng dalawang bansa kung mababayaran ng Ukraine ang mga utang nito sa gas.
Ipinahayag ni Putin ang nasabing paninindigan sa isang pulong ng Rusya. Ipinagdiinan din niyang ang ang bolyum ng walang bayad na isinuplay na gas ng Rusya sa Ukraine ay katumbas ng sa taunang suplay ng Rusya sa Poland. Pero, hindi magiging pangmatagalan ang situwasyong ito.
Ayon sa napagkasunduan ng Rusya, Unyong Europeo at Ukraine kamakailan, makaraang tanggapin ng Rusya ang unang bayad sa utang mula sa Ukraine, magsisimula sila bukas ng talastasan hinggil sa patuloy na pagsusuplay ng gas ng Rusya sa Ukraine.
Salin: Jade