Isinapubliko kamakalawa ng gabi ng panig militar ng Thailand ang ilang hakbanging pangkabuhayang kinabibilangan ng pagtatalaga ng limit sa presyo ng panggatong na langis, paggarantiya sa pagbibigay-utang sa mga maliit na bahay-kalakal, at pagtatatag ng espesyal na sonang pangkabuhayan sa purok-hanggahan sa pagitan ng Myanmar, Laos at Malaysia.
Binalangkas kamakalawa ng gabi ang naturang mga hakbangin sa pulong ng departamentong pangkabuhayan ng pamahalaan ng Thailand na pinanguluhan ni Prajin Jantong, Komander ng hukbong panghimpapawid ng Thailand na kasalukuyang namamahala sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa.
Salin: Wang Tao