Ayon sa estadistika na isinapubliko kahapon ng adwana ng Tsina, noong unang limang buwan ng kasalukuyang taon, umabot sa 1.12 trilyon Yuan, RMB ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at ASEAN. Ito ay mas malaki ng 1.2% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon. Umabot din sa 621 bilyon Yuan, RMB ang kabuuang halaga ng pagluluwas ng Tsina sa ASEAN.
Ayon sa ulat, ang Tsina ang pinakamalaking trade partner ng ASEAN, at ang ASEAN naman ay pangatlong pinakamalaking trade partner ng Tsina. Samantala, ang ASEAN ay nagiging isa sa mga rehiyon sa daigdig, kung saan mabilis umuunlad ang pamumuhunang galing sa Tsina.