Ipinahayag kamakailan ni Sihasak Phuangketkeow, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Thailand, na sa bisperas ng ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, idaraos sa Bangkok ang China-ASEAN Ministerial Forum. Aniya, pangunahing tatalakayin sa porum ang hinggil sa natamong tagumpay ng Tsina at ASEAN, nitong ilang taong nakaipas, at paano pasusulungin sa hinaharap ang pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan, kabilang ang kalakalan, pamumuhunan, kultura, edukasyon, at mga isyung panrehiyon.
Sinabi rin ni Sihasak, na bilang magkoordinadong panig, palalakasin ng Thailand ang estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN sa iba't ibang larangan, para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon. Bilang preparasyon sa summit ng Silangang Asya sa Brunei, sa Oktubre, idaraos din ang espesyal na pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at mga bansang ASEAN, pagkaraan ng naturang porum, dagdag pa niya.