|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ng awtoridad ng abyasyong sibil ng Pakistan na muling nagbukas ang Jinnah Airport sa Karachi, na apektado kamakalawa ng gabi ng pag-atake ng mga armadong tauhan.
Nauna rito, inako ng Taliban sa Pakistan ang responsibilidad sa nasabing pag-atake. Ito anito'y ganting salakay sa pagpaslang sa kanilang dating puno na si Hakimullah Mehsud sa drone air raid ng hukbong Amerikano noong Nobyembre, taong 2013.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |