Di-kukulangin sa 22 kawal ng tropang panseguridad ng Pakistan ang nasawi at 30 ang nasugatan sa pag-atake na isinagawa kaninang umaga ng Taliban sa Bannu sa dakong Hilagang Kanluran ng bansang ito.
Ayon sa media ng lokalidad, dahil malubhang nasugatan ang mga kawal ng pamahalaan, siguradong tataas pa ang bilang ng mga kasuwalti.
Ipinatalastas naman ng Taliban na patuloy nilang isasagawa ang ganitong aksyon sa bansang ito.
Matinding kinondena nina Pangulong Mamnoon Hussain at Punong Ministro Nawaz Sharif ang insidenteng nabanggit.
Salin: Ernest