Ipinahayag kahapon ni Dai Defeng, Puno ng Friends of Hong Kong Association na tinukoy ng White Paper na pinamagatang "Pagsasagawa ng Patakarang 'Isang bansa, dalawang sistema' sa HKSAR," na ang kandidato para sa pagka-Punong Ehekutibo ng HKSAR ay dapat iyong taong nagmamahal sa Tsina at Hong Kong. Katangagap-tanggap aniya ang kanyang samahan sa white paper.
Winika ito ni Dai sa pagtitipon para sa pagdiriwang sa ika-17 anibersaryo ng pagbabalik ng HK sa inang bayan at ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng naturang samahan. Buong tatag na suportado ng kanyang samahan ang administrasyon ng pamahalaan ng HKSAR, alinsunod sa batas, dagdag pa niya.