Ipinahayag kahapon sa Geneva ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN na kasalukuyan nilang isinasaalang-alang ang kandidato para maging bagong sugo ng UN at Al sa isyu ng Syria. Nagbitiw sa tungkulin si Lakhdar Brahimi, dating sugo, noong nagdaang buwan.
Ipinalalagay ni Ban na ang bagong magiging sugo ay dapat mayroon ng mayamang karunungan sa suliraning panrehiyon at karanasang diplomatiko. Aniya pa, sa kabila ng pagbibitiw sa tungkulin, diringgin pa rin ng UN ang mga mungkahi ni Lakhdar Brahimi sa isyu ng Syria.