Mahigpit na kinondena kahapon ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN ang pamamaslang ng mga sibilyan sa Syria. Hinimok din ni Ban na dapat parusahan ang may kagagawan.
Sinabi rin ni Ban na ito ay muling nagpapakita ng kahalagaan na dapat matapos na ang marahas na sagupaan at pasimulan ang prosesong pampulitika sa Syria para maitatag ang isang ligtas at malayang bansa.
Ayon sa pamahalaan ng Syria, habang sinalakay kamakailan ng mga rebelde ang lalawigan ng Hama, 42 katao ang namatay na kinabibilangan ng mga kababaihan at bata.