Ipinahayag kahapon ni Kim Kwan-jin, Ministrong Pandepensa ng Timog Korea na walang balak ang kanyang bansa na bumili at magdeploy ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) ng Amerika.
Winika ito ng Ministro ng Timog Korea sa isang pulong na interpelasyon ng Parliamento ng bansa.
Idinagdag ng opisyal Timog Koreano na hanggang sa kasalukuyan, wala pang silang natanggap na kahilingan mula sa panig Amerikano kaugnay ng deployment ng THAAD sa tropang Amerikano na nakabase sa Timog Korea.
Ang THAAD ay idinisenyo para mag-intercept ng mga ballistic missiles na may altityud na 40 hanggang 150 kilometro. Dahil sa range nito, ang operational reach ng THAAD ay sumasaklaw lamang sa Korean Peninsula.
Salin: Jade