|
||||||||
|
||
Sina Premiyer Li Keqiang ng Tsina at Pangulong Antonis Samaras ng Gresya
Athens, Gresya---Kinatagpo dito kahapon ng kahapon ni Pangulong Antonis Samaras ng Gresya si dumadalaw na premyer Li Keqiang ng Tsina. Kapuwa ipinahayag nila ang kahandaan na pasulungin ang relasyon ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kanilang pragmatikong pagtutulungan.
Ipinahayag ni Premyer Li ang pag-asang mapapasulong ng Tsina at Gresya ang kanilang pagtutulungang pandagat, panteknolohiya at panturista.
Ipinahayag naman ng pangulong Griyego na ang Tsina at Gresya ay kapuwa may mahabang sibilisyon at mayroon din silang komong layunin sa pag-unlad. Ipinahayag din niya ang suporta ng kanyang bansa sa mungkahi ng Tsina na itatag ang maritime silk road para sa ika-21 siglo.
Tumayong-saksi ang dalawang lider sa paglagda sa mga dokumentong kooperatibo na may kinalaman sa kultura, kabuhayan, kalakalan, pamumuhunan, karagatan, pagpigil sa kalamidad, konstruksyon ng imprastruktura.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |