HAWAII, Amerika--Nagsimula kahapon ang Rim of the Pacific (RIMPAC) multinational naval exercises. Sa kauna-unahang pagkakataon, sumali sa pagsasanay-militar na ito ang Tsina at Brunei.
Mahigit 20 bansa ang kasali sa kasalukuyang ensayong militar. Tatagal ito hanggang unang araw ng Agosto.
Ang RIMPAC exercises, bilang pinakamalaking pagsasanay-militar ng daigdig, ay sinimulan noong 1971. Idinaraos ito bawat dalawang taon. Ang layunin nito ay tiyakin ang kaligtasan sa karagatan ng mga bansa sa baybayin ng Karagatang Pasipiko at magkakasamang labanan ang terorismo.
Salin: Jade