|
||||||||
|
||
Sinimulan ngayong araw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kanyang dalawang-araw na pagdalaw sa Timog Korea.
Ipinalalagay ng mga dalubhasang Tsino na may apat na tampok ang pagdalaw ni Xi.
Sinabi ni Gao Fei, Propesor ng China Foreign Affairs University na ang kasalukuyang pagdalaw ni Xi ay maaaring ituring bilang katugong pagdalaw sa pagbisita sa Tsina ni Pangulong Park Geun-hye ng Timog Korea noong 2013. Ipinalalagay naman ni Wang Junsheng, pangalawang mananaliksik ng Chinese Academy of Social Sciences, na sa kanilang pagtatagpo, ang dalawang pangulo ng Tsina at Timog Korea ay inaasahang makakabalangkas ng estratehikong plano para mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa.
Ang pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan ay nagsisilbing ikalawang tampok. Ang Tsina ay ang pinakamalaking trade partner, pinakamalaking pamilihan ng pagluluwas at pinakamalaking bansang pinanggagalingan ng pag-aangkat ng Timog Korea. Samantala, ang Timog Korea ay ang pangatlong pinakamalaking trade partner at panlimang pinamalaking bansang pinanggagalingan ng pag-aangkat ng Tsina. Ipinalalagay ni Wang na nakatawag ng malawak na pansin kung sasang-ayon ang dalawang pangulo sa pagpapabilis ng paglagda sa kasunduan sa malayang sonang pangkalakalan ng dalawang bansa.
Mahigpit ang ugnayan ng Tsina at Timog Korea sa kasaysayan at kultura. Sa kasalukuyan, ang Tsina at Timog Korea ay pinakamalaking outbound travel destination at pinakamalaking bansang pinanggagalingan ng overseas students ng isa't isa. Ipinalalagay ni Yang Xiyu, mananaliksik mula sa China Institute of International Studies, na makakatulong sa pagpapasulong sa pag-uunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa ang pagdalaw ni Xi.
Bilang dalawang bansa sa Silangang Asya, may mahalagang katuturan ang relasyong Sino-Timog Koreano sa katatagan ng rehiyon. Ipinalalagay ni Wang na ang pagbisita ni Xi ay inaasahang makakapagpasulong sa katatagan ng rehiyon.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |