Nag-usap kamakalawa sa Indonesia sina Yang Xiuping, Embahador ng Tsina sa ASEAN at Bagas Hapsoro, Kinatawan ng Indonesia sa ASEAN Institute for Peace and Reconciliation.
Sa pag-uusap, inilahad ni Bagas ang kasalukuayang kalagayan ng instituto. Ipinahayag ni Bagas na ang kanilang organisasyon ay nagsisilbing isang platapormang di-pampamahalaan ng ASEAN para sa pagpapalitan ng karanasan sa pagpigil sa sagupaan, paglutas sa hidwaan at mapayapang rekonstruksyon. Umaasa aniya siyang maitatanggap nito ang suporta mula sa Tsina.
Ipinahayag naman ni Yang ang pagbati sa pagbuo ng naturang instituto. Nakahanda aniya ang Tsina na nakipagpalitan sa kabilang panig para mapasulong ang pagtitiwalaan at pagtutulungan ng Tsina at ASEAN.