Inilabas ngayong araw ang artikulo ni Su Zhiliang, Direktor ng Sentro ng Imbestigasyon hinggil sa "Comfort Women" ng Tsina na iniharap ng Tsina ang dokumentong may kinalaman sa pang-aabuso ng tropang Hapones sa "Comfort Women" noong World War II sa UNESCO Memory of the World Register.
Sa nasabing mga dokumento, lakip ang pag-amin ng 4 na kriminal ng digmang Hapones, at inamin nilang itinatag noon ang mga "comfort stations", kung saan pinilit ang mga babaeng Tsino na maging sex slave at ginahasa ng sundalong Hapon.
salin:wle