Sa kanyang talumpati sa Kobe, Hapon, binigyan-diin ni Cheng Yonghua, Embahador na Tsino sa Hapon, na dapat mataimtim at mahinahong makipag-ugnayan ang Hapon sa mga kapitbansa batay sa pangmalayuang pananaw.
Tinukoy ni Cheng na napakahirap ng kalagayan ng relasyong Sino-Hapones sa kasalukuyan, at ito ay hindi angkop sa interes ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan. Ito rin aniya ay hindi angkop sa tunguhin ng komong pag-unlad, pagtutulungan at win-win situation.
Binigyan-diin ni Cheng na kapwa bilang malaking bansa ng Asya, ang relasyon ng Tsina at Hapon ay may napakahalagang impluwensiya para sa hinaharap ng Asya.
Salin: Andrea