Idinaos ngayong araw sa Beijing ang magkasanib na seremonya ng pagbubukas ng 6th US-China Strategic and Economic Dialogue at 5th US-China Meeting on People-to-People Exchanges. Dumalo sa seremonya si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Bilang espesyal na kinatawan ng Pangulong Tsino, mangungulo sa unang pagtitipon sina Pangalawang Premyer Wang Yang at Kasangguni ng Estado Yang Jiechi, kasama nina John Kerry, Kalihim ng Estado at Jacob Lew, Treasury Secretary ng Amerika. Samanatala, sina Pangalawang Premyer Liu Yandong ng Tsina at John Kerry ay ang host ng huli.
Sa nasabing mga aktibidad, magpapalitan ang dalawang panig ng kuru-kuro hinggil sa relasyong Sino-Amerikano, mga isyung penrehiyon at pagdaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan, makro-ekonomiya, reporma sa larangang pinansyal, pagtutulungan sa larangan ng kalakalan at pamumuhunan, pagpapahigpit ng pagkakaibigan ng mga kabataan, at iba pa.