Sa kanyang talumpati sa symposium na may temang "Ang Bagong Simula ng Relasyong Sino-Amerikano sa Panibagong Situwasyon" na idinaos kahapon sa Shanghai, sinabi ni Xie Feng, Puno ng Departamento ng Ministring Panlabas ng Tsina sa mga Suliranin ng Amerika at Australia na, hindi lamang kompiyansa at katapatan ang kailangan sa pagtatatag ng bagong relasyong Sino-Amerikano; higit na mahalaga ang mga isasagawang aksyon.
Sinabi ni Xie na walang salungatan ang relasyong Sino-Amerikano sa kani-kanilang pakikipagtulungan sa ibang bansa. Hindi dapat aniyang makisangkot ang Amerika sa sagupaang pansoberanya at panteritoryo sa pagitan ng mga bansa sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Binigyang-diin niyang ang isinasagawang limitasyon ng Amerika sa pagluluwas ng mga high-tech product sa Tsina ay nagsisilbing hadlang sa pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano. Umaasa aniya siyang makakapagsagawa ang Amerika ng mga mabisang hakbangin para mapasulong ang naturang relasyon.