Ipinahayag kahapon sa Beijing ni Kim Yong, dumadalaw na Presidente ng World Bank ang pag-asang ipagpapatuloy ng Tsina ang reporma para ibayong pataasin ang kalidad sa pag-unlad ng kabuhayan.
Sinabi ni Kim na ang pagsasakatuparan ng sustenableng paglaki ng kabuhayan sa Tsina ay makakatulong sa kabuhayang pandaigdig.
Nang mabanggit ang pagtatayo ng Asia Infrastructure Investment Bank at BRIC Country Development Bank, ipinahayag ni Kim na tulad ng Tsina, positibo ang World Bank sa pagsapi ng mga bagong partner. Sila aniya'y mga kalaban sa kompetisyon, sa halip ng mga kaaway.