FORTALEZA, Brasil—Dumating dito kahapon si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para lumahok sa Ika-6 na Summit ng BRICS. Kabilang sa mga miyembro ng BRICS ay ang Brasil, Russia, India, Tsina at Timog Aprika.
Ipinahayag ni Xi na ang BRICS ay mahalagang lakas ng relasyong pandaigdig at sila rin ay mahalagang tagapagtatag ng sistemang pandaigdig.
Ipinagdiinan niyang sa ilalim ng kasalukuyang masalimuot na situwasyon para sa pagpapanumbalik ng kabuhayang pandaigdig, inaasahan niya ang pakikipag-usap sa iba pang mga miyembro ng BRICS para mapalago ang kabuhayang pandaigdig at mapasulong ang kapayapaan ng daigdig.
Nakipagtagpo si Xi kina Vladimir Putin, Pangulo ng Rusya, Narendra Modi, Punong Ministro ng Indya at Jacob Zuma, Pangulo ng Timog Aprika.
Dumating si Pangulong Xi sa Brasil matapos ang kanyang pagdalaw sa Gresiya.
Salin: Wle