Ayon sa ulat ng "Nation Newspaper" ng Thailand, ipinahayag kahapon ng isang mataas na opisiyal ng Hukbong Thai na nagpadala ang Amerika ng mensahe sa Thailand na umaasang babalik ang magkasanib na pagsasanay na militar na "Cobra Gold," pero, hindi pa sumasagot ang Thailand hinggil dito.
Bilang pagtutol sa paglulunsad ng hukbong Thai ng kaguluhan noong ika-22 ng Mayo, ipinabatid ng Amerika sa Thailand na ililipat ang "Cobra Gold," pinakamalaking magkasanib na pagsasanay na militar ng Timog Silangang Asya mula sa Thailand patungo sa iba pang lugar. Ngayon, nagpahayag ang Amerika ng mithiing patuloy na magsagawa ng pagsasanay na ito sa Thailand sa susunod na taon. Pero, hindi pa natamo nito ang pagsang-ayon ng Thailand.
salin:wle