Ipinahayag kamakailan ng panig militar ng Thailand na pansamantalang ititigil ang pagpapataw ng visa fee ng mga turistang Tsino, mula Agosto hanggang Oktubre para maakit ang mas maraming turistang Tsino na pumarito sa bansa.
Ipinahayag din ng awtoridad ng turismo ng Thailand na nitong ilang taong nakalipas, ang mga turistang Tsino ay nananatiling pinakamalaking bilang na bumibisita sa Thailand, at umabot sa 4.7 milyon ang bilang ng mga turistang Tsino na bumisita sa bansa noong taong 2013. Pero, sapul ng maganap ang kaligaligang pulitikal noong katapusan ng taong 2013, nabawasan hanggang ngayon ng 25% ang bilang ng mga turistang Tsino kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon. Ito ay mas maliiit pa ng 40% sa Bangkok.