Ipinahayag kahapon ni Surasak Sunpituksaree, Pangalawang Kalihim ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Thailand na gagawing priyoridad ng reporma ang reporma ng mga partido, paghihiwa-hiwalay ng kapangyarihan at pag-imbestiga sa mga iregularidad sa halalan.
Ipinahayag ito ni Sunpituksaree bago ang pagdaraos ng pulong ng lupong elektoral.
Ayon sa poll ng Thai Reserchers in Community Hapiness Association, 32% ng mga respondent ay kumakatig kay Prayut Chan-ocha na maging susunod na Punong Ministro, sumusunod naman ang support rate ni Abhisit Vejjajiva, dating PM.