Bumisita kahapon si Jonathan Greenert, Chief of Naval Operations ng Hukbong Pandagat ng Amerika, sa Northern Sea Fleet ng Tsina na nakatalaga sa Dalian, at nakipag-usap siya sa mga opisyal at sundalo sa barko. Kasama ni Jonathan Greenert sa naturang pagbibisita si Wu Shengli, Komander ng Hukbong Pandagat ng Tsina.
Sinabi ni Wu na mas mahalaga ang pagpapalitan sa pagitan ng mga hukbo sa prente ng dalawang panig. Umaasa aniya siyang magsisikap ang dalawang hukbong pandagat para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong Asya-Pasipiko.