Nag-usap kahapon sa Caracas, Venezuela, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Nicolas Maduro ng Venezuela. Nagpalitan sila ng mga palagay hinggil sa mga isyung kapuwa nila pinahahalagahan. Buong pagkakaisa rin nilang ipinalalagay na dapat itaas ang relasyon ng Tsina at Venezuela sa komprehensibong estratehikong partnership, at palawakin ang kooperasyon ng dalawang bansa.
Ikinatuwa naman ni Pangulong Maduro ang pagdalaw ni Xi sa Venezuela. Ani Maduro, inaasahan niyang mapapalalim at mapapalawak ang kooperasyon ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pagdalaw na ito.
salin:wle