Kinatagpo kahapon sa Buenos Aires, kabisera ng Argentina, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sina Amado Boudou, Presidente ng Mataas na Kapulungan ng Argentina, at Julian Dominguez, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng bansang ito.
Sa kanilang pagtatagpo, sinabi ni Xi na ang relasyon ng Tsina at Argentina ay nasa isang mahalagang yugto. Dagdag pa niya, dapat pahigpitin ng dalawang panig ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan para pasulungin ang magkasamang pag-unlad ng dalawang bansa.
Sinabi naman nina Boudou at Dominguez na ang kooperasyon ng dalawang bansa ay nakakatulong sa kani-kanilang pag-unlad at pagtatatag ng mas makatwiran at makatarungang kaayusang pandaigdig. Sinabi pa nila na nakahanda ang parliamento ng Argentina na pasulungin ang pagpapalagayan at pagkakaibigan ng Tsina at Argentina.
Salin: Ernest