Nagbigay-galang kahapon sa Havana si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Lider Fidel Castro ng Cuba. Nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa bilateral na relasyon at kalagayang pandaigdig.
Ipinahayag ni Pangulong Xi na ang biyaheng ito sa Cuba ay naglalayong ibayo pang ipagpatuloy at isulong ang tradisyonal na pagkakaibigang naitayo ng mga matatandang lider ng dalawang bansa at pasiglahin pa ang relasyong ito. Inilahad din ng Pangulong Tsino ang kalagayan hinggil sa pakikipagtagpo sa lider ng mga bansang Latino-Amerikano at mga bansang BRICS.
Ipinahayag naman ni Fidel Castro ang panalubong sa Pangulong Tsino. Sinabi niyang ang pagsigla ng mga umuusbong na ekonomiya at mga umuunlad na bansa ay magdudulot ng malalim na impluwensiya sa kalagayang pandaigdig.