Sa pakikipag-usap kahapon sa Havana kay Raul Castro, Presidente ng Council of State at Council of Ministers ng Cuba, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na positibo ang Tsina sa pagtahak ng Cuba sa sosiyalismong landas, pagsisikap ng Cuba sa pangangalaga sa soberanya ng estado, at isinasagawa nitong patakaran sa pagsasaayos ng kabuhayan at lipunan. Nakahanda aniya ang Tsina na bibigyan nito, tulad ng dati, ang Cuba ng tulong sa abot ng makakaya.
Ipinahayag naman ni Raul Castro na positibo ang Cuba sa komprehensibong partnership sa Tsina. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na palakasin ang pakikipagtulungan sa Tsina sa kalakalan, agrikultura, renewable energy, pagmimina, biology pharmacy at iba pa. Aniya, hinihintay niya ang mas maraming pamumuhunang nagmumula sa Tsina.