Isinapubliko ngayong araw ng panig militar ng Thailand ang pansamantalang konstitusyon sa taong 2014 na inaprobahan ng hari. May 48 tadhana ang naturang pansamantalang konstitusyon, at isang taon ang taning nito, hanggang matapos ang pagtakda ng pangmatagalang konstitusyon.
Itinakda ng pansamantalang konstitusyon na panatilihin ang National Peace and Order Maintaining Committee (NPOMC) na itinatag ng panig militar pagkatapos ng rebelyon. Susuperbisahin at ipapayo ng naturang komisyon ang mga gawain ng pansamantalang pamahalaan, at mamamahala, pangunahin na, sa mga suliranin ng katiwasayan ng bansa.
Salin: Vera