|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat ng Xinhua News Agency, pinagtibay kahapon ni Bhumibol Adulyadej, Hari ng Thailand, ang pansamantalang konstitusyon na isinumite ng panig militar ng bansa.
Ipinahayag ni Prayut Chan-ocha, Tagapangulo ng National Peace and Order Maintaining Council (NPOMC), na isasapubliko ngayong araw ang mga aktuwal na tadhana ng pansamantalang konstitusyon.
Pero hindi niya inilabas ang araw ng pagsisimula ng pagsasagawa ng naturang konstitusyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |