Iniulat ngayong araw ng Xinhua, opisyal na news agency ng Tsina, na ayon sa dalawang sources na ayaw ibunyag ang pangalan, may posibilidad na magpalabas ang Malaysia Airlines ng plano ng pagbalasa nito sa katapusan ng darating na Agosto sa pinakamalapit na hinaharap.
Ayon sa sources, isasapubliko ng Malaysia Airlines ang nasabing plano ng reorganisasyon makaraang ilabas nito ang ulat ng performance hinggil sa ikalawang kuwarter sa kalagitnaan ng Agosto.
Apektado ng pagkawala ng MH370 noong ika-8 ng Marso, bumaba ng 35% ang presyo ng stock ng Malaysia Airlines noong unang kuwarter ng taong ito. Ito ang pinakamababa nitong dalawang taong nakalipas. Bilang tugon, noong Hunyo, ipinahayag ng Khazanah Nasional, state investment arm at pinakamalaking stakeholder ng Malaysia Airlines na isasapubliko nito ang plano ng reorganisasyon sa loob ng 6 hanggang 12 buwan. Pero, dahil sa pagbagsak ng MH17 kamakailan, napakalaki ng posibilidad na mapabilis ang pagrere-organisa ng Malaysia Airlines.
Salin: Jade