|
||||||||
|
||
KUALA LUMPUR, Malaysia—Pinagtibay kahapon ng Mababang Kapulungan ng Malaysia ang isang mosyon bilang pagkondena sa pagbagsak ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines.
Kaugnay nito, sinabi ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia na kung mapapatunayan ang akusayon ng Amerika at Ukraine na di-umano'y pinabagsak ang eroplano, kokondenahin ng kanyang bansa ang di-makatao, di-sibilisado, marahas at iresponsableng aksyon.
Muling ipinagdiinan ni Najib na ang ruta sa himpapawid ng MH17 ay napatunayang ligtas ng Ukraine at ng International Civil Aviation Organization (ICAO).
Idinagdag pa ni Najib na nararamdaman niya ang kapighatian ng mga kamag-anak ng mga nasawi dahil ang kanyang step-grandma ay isa sa mga biktima.
Inulit din niyang magpapatuloy ang imbestigasyon at paghahanap ng katotohanan hinggil sa trahediya.
Bumagsak ang MH17 sa dakong silangan ng Ukraine sa hanggahan ng Rusya nitong noong ika-17 ng buwang ito habang lumilipad mula sa Amsterdam, Netherlands patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
Namatay ang lahat ng 283 pasahero at 15 tauhan sakay ng eroplano. Tatlong Pinoy ang kabilang sa listahan ng mga nasawi.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |