Ipinahayag kahapon ni Yi Xianliang, Pangalawang Puno ng Departamento ng Hanggahan at Isyung Pandagat ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa kabuuan, nananatiling matatag ang kapaligirang pandagat ng Tsina.
Ipinahayag ni Yi ang nasabing paninindigan sa kanyang pakikipag-usap sa mahigit 100 mamamahayag na dayuhan at Tsino sa isang seminar.
Hiniling din ng opisyal Tsino sa mga kalahok na mamamayahag na itampok sa kanilang ulat ang pagtutulungan, sa halip ng alitan.
Sinabi rin niyang may mga umiiral na alitan hinggil sa isyung pandagat ng Tsina at ibang bansa, at kailangang iwasang i-politicize ang mga isyung ito. Sa halip, laging hinihiling ng Tsina sa mga may kinalamang bansa na bumalik sa hapag ng talastasan para malutas ang mga isyu sa mapayapang paraan at mapasulong ang magkasamang paggagalugad sa karagatan.