|
||||||||
|
||
Kinumpirma kahapon sa Abuja ni Onyebuchi Chukwu, Ministro ng Kalusugan ng Nigeria, ang ika-2 biktima ng Ebola virus sa bansang ito.
Ang naturang biktima ng Ebola virus ay isang nars na nagtatrabaho sa Lagos sa dakong Timog ng bansang ito.
Sinabi ni Chukwu na ang naturang nars ay nag-asikaso minsan kay Patrick Sawyer, opisyal ng Liberia at nagkasakit ng Ebola virus at namatay noong gabi ng Agosto 5.
Dahil dinapuan ng ng Ebola virus sa Nigeria ay sumasaklaw ng mga tauhang medikal at mga dayuhan, ang kalagayang ito ay nakatawag ng mahigpit na pansin ng World Health Organization.
Ayon pa sa ulat, kasunod ng pagkalat ng Ebola virus sa mga bansa sa Kanlurang Aprika, pinahigpit ng mga bansa sa Silangang Aprika ang gawaing pagsusuperbisa sa mga daungan sa hanggahan at paliparan para mapigilan ang pagkalat ng naturang virus.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |