Ipinatalastas kagabi sa telebisyon ni Nouri al-Maliki, kasalukuyang Punong Ministro ng Iraq na wala na siyang hangaring muling manungkulan bilang punong ministro, at bibigyan niya ng suporta si Haider al-Abadi, kandidato sa pagka-Punong Ministro na ininominate kamakailan ni Pangulong Muhammad Fuad Masum ng Iraq. Ito aniya'y naglalayong pangalagaan ang interes ng estado at iwasan ang marahas na sagupaan sa bansa. Samantala, binatikos din ni Maliki ang ginawa ni Pangulong Masum na labag sa konstitusyon. Maghaharap aniya siya ng legal action laban kay Pangulong Masum.
Si Haider al-Abadi ay kasalukuyang Pangalawang Ispiker ng Parliamento ng Iraq. Nauna rito, hinirang siya ni Pangulong Masum bilang bagong Punong Ministro at bumuo ng bagong pamahalaan.