Natapos kahapon ang ika-5 round ng talastasan sa pagitan ng pamahalaan at organisasyon ng mga sandatahang lakas ng pambansang minorya ng Myanmar hinggil sa burador ng kasunduan hinggil sa pagsasakatuparan ng tigil-putukan sa buong bansa.
Sa isang magkasanib na kumunike na inilabas pagkaraan ng talastasan, sinabi nitong ilang pagkakasundo ang narating na ng dalawang panig sa tigil-putukan na kinabibilangan ng pagtatatag ng pederasyong may demokrasya, pagkakapantay-pantay ng ibat-ibang lahi at karapatan ng self-determination, pangangalaga sa kabuuan ng pederasyon at soberanya, at pagpapasulong sa pagkakaisa ng ibat-ibang lahi. Sapul nang may hari ang kasalukuyang pamahalaan ng Myanmar sa pamumuno ni Pangulong Thein Sein noong Marso, taong 2011, nagsisikap itong pasulungin ang pambansang rekonsilyasyon at diyalogong pampulitika para maisakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan ng bansa.