Sa Myitkyina, kabisera ng lalawigang Kachin ng Myanmar---Idinaos dito kahapon ang bagong round ng talastasang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at Kachin Independence Army ng Myanmar.
Inisyal na narating ng dalawang panig ang kasunduan hinggil sa pagbuo ng isang lupong namamahala sa pagsuperbisa sa pagpapatupad sa kasunduang pangkapayapaan, aksyon ng mga sandatahang lakas ng dalawang panig, at pagtiyak kung sino ang may responsibilidad sa bagong sagupaang posibleng maganap sa hinaharap.
Sa kasalukuyan, hindi pa tiyak ang mga miyembro ng naturang lupon.