Sa Jakarta, Indonesia-Nakatakdang idaos ngayong gabi ang aktibidad na pinamagatang "The Best Performance Arts ng ASEAN-Guest of Honor ang Tsina." Ito ay isa sa mga nilalaman sa taong pankultura ng Tsina at ASEAN.
Nauna rito, ipinahayag ni Yang Xiuping, Embahador ng Tsina sa ASEAN na palalawakin ng Tsina at ASEAN ang pagtutulungan sa larangan ng industriyang kultural, pangangalaga sa culture relics at pagpapasulong ng public cultural service, batay sa "China-ASEAN Cultural Cooperation Program 2014-2018" na nilagdaan ng dalawang panig noong Abril ng kasalukuyang taon. Ito ay nagpapakitang ang pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at ASEAN sa larangang kultural ay pumasok sa yugto ng komprehensibong pag-unlad.