Ayon sa Kyodo News Agency ng Hapon, sinimulan kahapon ng hapon ng panig militar ng Hapon ang geological research survey sa baybaying dagat sa Henoko, Okinawa para relokasyon ng tropang Amerikano. Ayon sa kasunduan ng Hapon at Amerika, ililipat sa Henoko ang tropang Amerikano na nakabase sa Ginowan, Okinawa.
Nang araw ring iyon, nagtipon-tipon ang mga 400 residenteng lokal sa kuwartel ng hukbong Amerikano para sa pagtutol sa aktibidad na ito.
Ayon sa ulat, ang unang geological research survey sa Henoko ang ginawa ng Hapon noong 2004, pero, sapilitan itong sinuspinde dahil sa pagtutol mula sa mga Hapones.