|
||||||||
|
||
Sa ika-18 ng darating na Setyembre, isasagawa ng mga kawanihan ng abiyasyong sibil ng Tsina at Mongolia ang parehong air traffic control separation standards.
Ayon sa bagong kasunduan na lalagdaan ng Tsina at Mongolia, babawasan hanggang sa 30 kilometro, mula sa kasalukuyang 90 kilometro ang distansiya sa traffic control separation standards.
Mapapahupa nito ang siksikang panghimpapawid sa pagitan ng Europa at Silangang Asya.
Ipinahayag ito kahapon ng Civil Aviation Administration of China (CAAC).
Idinagdag pa ng CAAC, ang bagong separation standards ay magreresulta sa mas maraming flight na puwedeng dumaan sa himpapawid ng Tsina at Mongolia.
Sa air traffic control, ang separation ay tumutukoy sa minimum distance sa pagitan ng dalawang eroplano.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |