
Nilagdaan ngayong araw ni Bhumibol Adulyadej, Hari ng Thailand ang kautusan na humihirang kay Prayuth Chan-ocha bilang ika-29 na Punong Ministro ng bansa. Si Prayuth Chan-ocha ay kasalukuyang Tagapangulo ng National Peace and Order Maintaining Council (NCPO) at Commander of Field-Marshal ng Thailand.
Ipinalabas ang selebrasyon ng paghirang sa mga TV station ng Thailand. Ayon sa kautusan ng hari, pinagtibay ng National Legislative Assembly batay sa pagboto ang pagiging Punong Ministro ni Prayuth Chan-ocha, at siya ay angkop para sa tungkuling ito.
salin:wle