Ayon sa ulat ngayong araw ng China News Service, isiniwalat kamakailan ng Channel NewsAsia na sisimulang isagawa ng ASEAN ang ASEAN Economic Community sa taong 2015, para buuin ang iisang pamilihan sa pagitan ng 600 milyong populasyon ng 10 bansa, bagay na makakalikha ng 14 na milyong pagkakataon ng hanap-buhay. Pero dahil di-balanse ang paglago ng kabuhayan ng iba't ibang bansa, kung walang angkop na pagsasaayos, ibayo pang lalawak ang agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap, at lalala ang depisit ng pamilihan ng mga manggagawa.
Anang ulat, sa taong 2025, aabot sa 7.1% ang paglago ng kabuhayan ng ASEAN, kaya kailangang itakda ng ASEAN ang mapagbigay at makatarungang planong pangkaunlaran at hakbangin sa pagpapabuti ng segurong panlipunan. Ang ASEAN Economic Community ay makakabuti sa mga bansang may kababaang kita na gaya ng Kambodya, pero magdudulot ito ng negatibong impakt sa Indonesia, pinakamalaking economy ng ASEAN.
Salin: Vera