Ayon sa magkasanib na komunike ng ika-13 Punong ng mga Ministro ng Kabuhayan at Kalakalan ng Tsina at ASEAN na ipinalabas kahapon, sinang-ayunan ng dalawang panig ang pagsisimula ng talastasan hinggil sa pagpapabuti ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA).
Nang araw ring iyon, idinaos ang nasabing pulong sa Nay Pi Daw, Myanmar. Bumigkas ng talumpati si Gao Hucheng, Ministro ng Komersyo ng Tsina na nagsasabig nakahanda ang Tsina na palawakin ang kooperasyon nila ng ASEAN at ihinarap niya ang apat na mungkahi: una, magkasamang itatatag ang Maritime Silk Road sa ika-21 siglo; ikalawa, ibayo pang palalakihin ang ginhawa para sa kalakalan at pamumuhunan ng dalawang panig; ikatlo, ibayo pang pabibilisin ang konektibidad; at pang-apat palalakasin ang integrasyong pangkabuhayan ng rehiyong ito.
salin:wle