Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon sa Beijing kay Le Hong Anh, Sugo ng Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Vietnam(CPV), binigyang diin ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng Partido Komunista ng Tsina(CPC) na umaasa siyang pasusulungin ang pagtutulungan ng dalawang partido at estado batay sa pagpapalakas ng mataas na pag-uugnayan, pagpapalalim ng pagpapalitan sa mga masusing isyu, paggiit ng estratehikong pananaw, pangangalaga sa pangmatagalang katatagan at pagkakaibigang pangkapitbansa, at komprehensibong pagtutulungan.
Ipinahayag naman ni Le Hong Anh na nakahanda ang Vietnam na magsikap, kasama ng Tsina para ibayo pang pasulungin at patibayain ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang partido at estado batay sa pagsasagawa ng matapat na pagpapalitan, pagpapasulong ng pag-uunawaan at pagtitiwalaan, pagpapahigpit ng pagkakaisa at pagtutulungan, at maayos na paglutas sa mga problema.