Ipinahayag kahapon ni David Cameron, Punong Ministro ng Britanya ang pagsasagawa ng mas mahigpit na hakbang para sa paglaban sa terorismo, kabilang ang pagpigil sa trans-nasyonal na paglalakbay ng mga terorista, at pagbibigay-dagok sa mga teroristang nasa loob ng teritoryo ng bansa.
Ipinatalastas din kamakailan ng pamahalaang Britaniko ang pagpapataas sa lebel ng banta mula sa terorista sa labas ng bansa.
Ayon sa ulat, mahigit 500 Britaniko ang kasalukuyang nagtatrabaho para sa mga organisasyong terorista sa Iraq at Syria.