Isang sagupaan ang naganap kahapon ng umaga sa Islamabad sa pagitan ng kapulisan at mga tagasunod ng oposisyon ng Pakistan matapos nitong salakayin ang gusali ng State TV Station. Pero, nakontrol ang kasalukuyang kalagayan sa ilalim ng panghihimasok ng panig militar.
Nagrali ang ilampung libong tagasunod ng oposisyon sa Lahore noong ika-14 ng Agosto, at nagmartsa sila tungo sa Islamabad at isinasagawa ang mga kilos protesta para alisin sa kapangyarihan si Punong Ministro Nawaz Sharif. Pagkatapos, lumalala ang kalagayan at nagsagupaan ang mga demonstrador at pulis sa daang patungo sa tanggapan ng Punong Ministro, noong ika-30 ng gabi. Ikinamatay ito ng 3 katao, at ikinasugat ng 500 iba pa.
Kaugnay nito, ipinahayag ng panig militar ng Pakistan na dapat lutasin ang kasalukuyang krisis sa pamamagitan ng paraang pampulitika, sa halip nang isinasagawang dahas.