Nakipag-usap kahapon sa Tokyo si Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon sa kanyang dumadalaw na Indian counterpart na si Marendra Modi.
Sa isang magkasanib na pahayag na inilabas ng dalawang panig pagkaraan ng pag-uusap, sinabi nitong itatatag ng Hapon at India ang espesyal na pangkooperasyong estratehikong partnership para palalimin ang kanilang pagtutulungan sa larangan ng kabuhayan, pulitika, kultura at seguridad na kinabibilangan ng pagbibigay ng Hapon ng 50 bilyong Yen sa India sa loob ng susunod na limang taon, pagdaraos ng regular na ensayong militar sa karagatan, pagbebenta ng Hapon ng eroplano sa India, pagtatatag ng mekanismo ng pagsasanggunian sa pagitan ng mga Ministrong Panlabas at Pandepensa ( 2+2), at iba pa.
Dumating si Modi sa Hapon noong ika-30 ng Agosto para pasimulan ang kanyang 5 araw na pagdalaw sa bansang ito.