Nilagdaan kahapon ng India at Hapon ang magkasamang pahayag na nagsasabing ibayo pang pahihigpitin ang estratehikong partnership ng dalawang panig.
Nag-usap kagabi sa New Delhi sina Punong Ministro Manmohan Singh at kanyang counterpart na si Shinzo Abe ng Hapon.
Sa larangang pangkabuhayan, ipinatalastas ng Hapon na ipagkakaloob nito ang halos 2 bilyong Dolyares na tulong sa India para sa konstruksyon ng sonang industriyal at high speed railway.
Sa larangang panseguridad, sinang-ayunan ng dalawang bansa ang pagtatatag ng mekanismo ng pagsasangguniang panseguridad. Bukod dito, isasagawa ng dalawang panig ang diyalogo hinggil sa seguridad ng internet, at ang talastasan hinggil sa pagluluwas ng mga eroplanong pandigmaa ng Hapon sa India.
Inaanyayahan din ng India ang paglahok ng Hapon sa pagsasanay na militar na idaraos ng India sa Marso.